BY: ATTY. VIC ACEVEDA (Makati Chess Club President)
Magiging kapanapanabik na masasaksihan ang pagtutuos ng mahuhusay na mga kabataang manlalaro sa pagsisimula ng 1ST ST. ANDREW YOUTH MINISTRY AGE-GROUP CHESS TOURNAMENT sa March 7, 2010 Linggo 9:00 ng umaga sa Knights of Columbus Hall Basement ng St. Andrew Church, Bel-Air- Makati City. Ang isponsor ng torneo ay ang St. Andrew Youth Ministry at ng Knights of Columbus . Sa pakikipagtulungan ng Makati Chess Club at ng National Association of Philippine Chess Arbiters (NAPCA).
Ang palaro ay isasagawa sa pamamagitan ng magkahiwalay na kategorya; Ang 16 Years Old Under at ng 10 Years Old & Below. Ang mga premyo sa bawat kategorya ay: Champion P 1,000, 2nd P 500, 3rd P 300, 4th P 200, 5th to 10th Placers na may kasamang tropeo. May karagdagang premyo din ang hindi mananalo, ito ay ang pagbibigay ng RRCIS 10-5 Round by Round Cash Incentive Scheme.
Isasagawa ang torneo ng Seven Rounds Swiss System na may oras na 25 minutes bawat manlalaro hanggang sa matapos ang laro. Ang bawat manlalaro na makakasali ay kinakailangan hindi lumampas sa 1950 NCFP Rapid Rating. Ang registration Fee ay P 100 lamang. Sa iba pang mga detalye ay makipagugnayan lamang kay Atty. Vic Aceveda sa tel. blg. (02) 897-3630, 0906-4386119 o kay Gina Kobayashi 0915-6951427.
Sunday, February 28, 2010
1ST ST. ANDREW YOUTH MINISTRY AGE-GROUP CHESS TOURNAMENT
Posted by RUSTICBULL at 4:56 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Comments:
Post a Comment