Friday, March 4, 2011

2nd Makati Torneo De Ajedrez

By: NM Marlon Bernardino

Magiging kapanapanabik ang pagtutuos ng lahat na Opisyal at Miyembro ng Makati Chess Club (MCC) sa magaganap na "2nd MCC Torneo De Ajedrez-Open & Kiddies Category" sa Marso 6 Linggo 1pm sa 4th Flr. 7378 Olympia, Kalayaan, Makati City. Ang torneyo ay inorganisa ni MCC Club President Atty. Vic Aceveda sa pakikipagtulungan ng Fruit Haven ni Olive Yulo, Reinhard Orth at Knights of Columbus Council 8573.

Ang pormat ng palaro ay isasagawa sa five rounds swiss system na may 30 minutes time control sa bawat manlalaro at ang premyo ay cash at tropeyo. Ang event ay exclusive lang sa mga opisyal at miyembro ng Makati Chess Club. Sa open division ay pinagunahan sa pagsali sina Roger Abisan-1st leg champion, Alberto Dacallos, Ferdie Yulo, NMs Mirabeau Maga at Ed Agagon, Django Rabino, Bernie Buitizon, Rowenson Fabregas at Edgar Alvarez. Samantalang sa Kiddies category ay sina Bernadette Galas, John Michael Magpily, Francis Parro, Joshua Tan, Francesloi Changco, Jester Sistoza, Briggs Abrigo at Lawrence Magura.

Ang palaro ay pamumunuan nina Arbiters Boyet Tardecilla, Francis Magpily at Victor Borinaga ng National Association of Philippine Chess Arbiters (NAPCA).

Sa mga miyembro na nagnanais sumali ay makipagugnayan lamang kina Atty. Vic Aceveda sa 0906-438-6119, 0927-563-1809.

0 Comments: