Thursday, March 12, 2009

GM Gomez, Athlete of the Year ng UAAP

Nadagdagan pa ang mga hinahamig na kara­ngalan ni La Salle chess wizard John Paul Gomez matapos iuwi ang UAAP Season 71 Athlete of the Year honors sa seniors division sa awarding ceremonies sa Bahay ng Alumni sa UP campus sa Diliman.


Unang UAAP athlete na nagbulsa ng limang MVP awards si Gomez, naging pang-10 grandmaster ng bansa nang masungkit ang huling GM norm sa Dresden World Chess Olympiad noong November.

Inungusan ng 22-anyos na si Gomez sa highest individual honor sina DLSU tennis star PJ Tierro, UST trickster Ben Alejandrino, at 12 iba pang Most Valua­ble Players ng liga.

Naging contenders din ang top athlete ng nakaraang season na si fencer Michelle Bruzola ng UE, basketball star Rabeh Al-Hussaini ng Ateneo, at dating two-time AOY awardee Luica Dacanay ng UP.

Sa juniors division, ibi­nigay ang AOY award kay ace spiker Alyssa Valdez ng UST High School.
Tinanggap na rin ng UST ang pang-11 sunod na senior division gene­ral championship at third straight juniors overall title (11th overall).

Siyam sa 28 nakatayang championship trophies ang iniuwi ng Growling Tigers at Tigresses sa España tungo sa pang-36 na overall title. Source: Abante

0 Comments: